This blog is about politics, advocacy and lobbying. It tries to provoke, test, argue on hot button issues and current political and economic developments. It may offer solutions, leave you hanging to make your conclusions and sometimes... just plainly ask basic questions.
Thursday, November 29, 2007
Villar's Nacionalistas @ 100
Nacionalista Party Centennial Celebration
PICC
November 28, 2007
IBALIK ANG DANGAL NG PILIPINO: ANG BAYAN HIGIT SA LAHAT
Mga Kapatid, Mga Kababayan:
Mga Kabalikat Ko Upang Maibalik ang Dangal ng Pilipino,
Magandang gabi sa inyong lahat.
Ipinagdiriwang natin ngayon ang isang daang taon ng pagkakatatag ng Partido Nacionalista – ang ating partido, ang partido ng sambayanang Pilipino, ang partido na napakahalaga ang nagawa at naitulong sa paghabi ng ating makulay na kasaysayan.
No other political party has done as much to win our political independence. No other party has done as much for our country and people. No other party has done as much in fighting for the cause of nationalism.
Malalim ang ugat ng pagmamahal sa bayan na kinatatayuan ng Partido Nacionalista. Ang mga dakilang diwa ni Rizal, ni Bonifacio, ni Mabini, ni Aguinaldo, ni OsmeƱa, ni Quezon, ni Laurel, ni Recto, ni Magsaysay, ni Garcia, ni Puyat at sampu ng mga nag-alay ng talino, sipag at lakas upang itaguyod ang dangal ng Pilipino ang siyang dumadaloy sa buhay ng ating partido.
The Nacionalista Party stands firmly on the rock of a noble tradition. Its early pillars have heroically won for the nation its political emancipation. The heart of our party resonates with the spirit of nationalism.
Ngunit maaaring sabihin ng ating kabataan na ang kadakilaan ng Partido Nacionalista ay nakasulat lamang sa dahon ng kasaysayan. Habang sinasariwa natin ang nakaraan, nararapat ding itanong kung saan ba talaga tayo patungo. Ano ba ang nais nating maging hugis ng ating pambansang kinabukasan? Ano ang tamang daan patungo sa katuparan ng ating pinag-isang mithiin? Ano ang dapat gawin ng buong sambayanang Pilipino sa tulong at pamumuno ng Partido Nacionalista?
Indeed, the question raised by my daughter Camille is urgent and compelling. Ito ay katanungan ng kabataang Pilipino. The question echoes the dreams and hopes not only of the most idealistic sector of our society but the rest of the nation as well.
The urgency of the question cannot be ignored anymore. It cannot be made trivial by repeated empty pronouncements, by lack of public accountability and transparency, by cold statistics of national economic growth that is not directly and personally enjoyed by the many millions who are poor.
Kaya walang kabuluhan ang lahat ng pagdiriwang kung hindi natin haharapin ang hamon ng kinabukasan. Hindi sapat ang lumingon sa ating magandang pinanggalingan. Higit na kailangan natin ang makaisa upang matagumpay nating marating ang nais nating patunguhan.
Madilim ang hinaharap ng ating inang bayan kung hindi tayo kikilos at magkakapit-bisig ngayon.
Hindi pa tapos ang pakikipaglaban ng Nacionalista Party. We cannot truly take pride in what we have accomplished for the nation if we do not address the many challenges confronting us.
What good is there in gaining political independence if we are not really economically free? Freedom is empty without bread and food on the table. Anong silbi ng kalayaan, kung maraming nagugutom, Sa survey isa sa apat na Pilipino ay nakakaramdam ng kagutuman.
Walang tunay na kalayaan kung ang sambayanan ay nasa kuko pa rin ng kahirapan. Ang bansang mahirap ay hindi tunay na malaya.
The next chapter in the journey of the Nacionalista Party and the nation is the fight for economic independence, the moving force that will propel us to victory is the spirit of nationalism.
Nationalism is not an old fashioned idea that was relevant only in the times of Rizal and Quezon. It is not a romantic concept that speaks of a self-contained national community detached from the rest of the world. It is not isolationist. It is simply putting the welfare of the nation above all. Ang bayan higit sa lahat. It is a lofty and timely ideal of empowering the Filipino to regain the dignity that was stolen by economic misery.
IBALIK ANG DANGAL NG PILIPINO! ANG BAYAN HIGIT SA LAHAT. Ito ang battle cry ng Nacionalista Party.
Sa bisa ng nasyonalismo, magbabalik ang tiwala sa angkin nating kakayahan at mabibigyan ng halaga ang katutubong katangian.
With nationalism as our central orientation, we become deeply aware of who we are as a nation. We take justifiable pride in our achievements. We find the courage and the will to compete in the marketplace of the world. We are motivated to give our best for the sake of our nation. We begin to care for one another as brothers and sisters in one national community.
Sa pamumuno ng Nacionalista Party, bubuhayin natin ang diwa ng nasyonalismo upang ito ay lumago na parang malalaking sanga ng isang mataas at matibay na punong kahoy na magbibigay lilim sa mga nawalan ng pag-asa. Paghariin natin ang diwa ng nasyonalismo sa ating pinagbuklod na kaisipan at damdamin upang mapaglabanan natin ang mga maling pananaw at kaugalian.
Nationalism is the creative force that will enable us to break the cycle of poverty, the sense of fatalism of the gulong ng palad outlook, and the momentum/ of national disunity.
Kung maisapuso natin ang diwa ng nasyonalismo, mailulunsad natin ang isang makasaysayan at malawak na entrepreneurial revolution, na kung saan ang maliliit na negosyanteng pinoy ay magkakaroon ng tiwala sa sarili.
The Nacionalista Party has the institutional mission to to launch a Filipino entrepreneurial revolution. We need to build a new nation of achievers, a new generation of Filipinos who have the courage to try and explore, to walk the extra mile, to go where the weak are afraid to go and to use all their energies and talents to make the Philippines the land/ of the truly free and happy.
The vision of the Nacionalista Party is the road to the nation’s future. It is as old as its wisdom and tradition. It is as young as the nobility of its dream and its passion for meaningful change.
Kaya nating magbago. Kaya nating umunlad. Kaya nating labanan ang kadiliman. Kaya nating maging tunay na malaya.
Maganda ang kinabukasan ng ating bayan. Nasa ating mga kamay ang ating kaligtasan at kasaganaan. Ibabalik natin ang dangal ng Pilipino.
Mabuhay ang Nacionalista Party! Mabuhay ang PIlipinas!
Pagpalain tayong lahat ng ating Amang Makapangyarihan.
###
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment